^

Metro

Lumbao inilipat na sa Manila City Jail

-
Ibinasura kahapon ni Manila Regional Trial Court Branch 27 Judge Teresa Soriaso ang kahilingan ni Peoples Movement Against Poverty (PMAP) leader na si Ronald Lumbao na manatili siya sa kustodya ng PNP-CIDG sa dahilang maraming banta sa kanyang buhay.

Sa halip na katigan ng korte, agad na ipinag-utos ni Soriaso na ipatupad ang utos ng Department of Justice (DOJ) na ilipat si Lumbao sa Manila City Jail mula sa Camp Crame.

Si Lumbao ay dinala sa MCJ dakong alas-10 ng umaga.

Gayunman, upang iiwas sa kanyang (Lumbao) takot ay isinama na lamang ito sa guerna o selda kung saan karamihan ay mga baklang preso at hindi miyembro ng kung anumang gang sa loob ng city jail.

Samantala, inakusahan naman ni Lumbao si Pangulong Arroyo na ang mga tulad lang niya ang idinidiin sa kaso matapos na iatras ang kaso kina dating Senador Juan Ponce Enrile, Mirriam Defensor Santiago at Sen. Ernesto Maceda. (Ulat nina Andi Garcia at Danilo Garcia)

ANDI GARCIA

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF JUSTICE

ERNESTO MACEDA

JUDGE TERESA SORIASO

LUMBAO

MANILA CITY JAIL

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

MIRRIAM DEFENSOR SANTIAGO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with