^

Metro

Montayre, mga galamay kinasuhan sa marahas na rali

-
Pormal na kinasuhan kahapon ang secretary general ng People’s Consultative Assembly (PCA) na si Linda Montayre sampu ng mga miyembro nito dahil sa pambabato sa isang opisyal ng pulisya sa naganap na madugong rali sa pagitan ng mga tauhan ng pulisya at raliyista sa may Nagtahan flyover noong Lunes ng gabi.

Kasong serious physical injuries, direct assault at violation of BP 880 o Public Assembly Act ang isinampa ng Western Police District sa Manila Prosecutors Office laban sa grupo ni Montayre.

Kabilang din sa sinampahan ng kaso ay ang mga miyembro ng militanteng grupong Maradeka at ang chairperson nitong si Nashir Pangandapon na umano’y nakipagsabwatan sa PCA upang simulan ang pambabato.

Magugunitang magang-maga ang mukha ni Supt. Rafael Corpuz, nang matinding tamaan ng pambabato ng mga raliyista.

Bukod dito, posible pa umanong maapektuhan ang paningin ng nabanggit na pulis dahil sa matinding tama.

Magugunitang mismong si Pangulong Arroyo ang dumalaw kay Corpuz sa loob ng pagamutan kamakalawa. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

CONSULTATIVE ASSEMBLY

LINDA MONTAYRE

MAGUGUNITANG

MANILA PROSECUTORS OFFICE

NASHIR PANGANDAPON

PANGULONG ARROYO

PUBLIC ASSEMBLY ACT

RAFAEL CORPUZ

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with