Sinabi ni Aglipay na magsasagawa sila ng imbestigasyon upang makilala ang mga pulis na nakita sa video na humahambalos at nanunutok ng baril sa mga dinakip na demonstrador.
Sa kabila nito, sasampahan rin umano nila ng kaso ang ilan sa mga nadakip dahil sa pag-uumpisa ng kaguluhan nang pasukin ng mga ito ang hanay ng mga pulis.
Nabatid na nabasag ang mukha ni Supt. Rafael Corpuz matapos na tamaan ng bato sa kanyang pagbabantay sa mga demonstrador sa may Lacson Bridge sa Mendiola.
Nasa kritikal na kondisyon naman ang isa pang baguhang pulis na napuruhan ng malaking tipak ng bato sa kanyang batok.
Ipinukol naman ng mga militanteng grupo ang sisi sa hanay ng pulisya sa naganap na kaguluhan kasabay nang pagsasabing mas maraming raliyista ang nakaratay ngayon sa ibat ibang pagamutan. (Ulat ni Danilo Garcia)