^

Metro

Dispersal team na naaktuhang nambugbog ng raliyista, parurusahan

-
Nangako kahapon si National Capital Region Police Office (NCRPO) director Edgar Aglipay na paparusahan ang mga pulis na miyembro ng dispersal team na naaktuhang nanggugulpi ng mga dinakip na demonstrador sa naganap na madugong rali kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Arroyo, kamakalawa.

Sinabi ni Aglipay na magsasagawa sila ng imbestigasyon upang makilala ang mga pulis na nakita sa video na humahambalos at nanunutok ng baril sa mga dinakip na demonstrador.

Sa kabila nito, sasampahan rin umano nila ng kaso ang ilan sa mga nadakip dahil sa pag-uumpisa ng kaguluhan nang pasukin ng mga ito ang hanay ng mga pulis.

Nabatid na nabasag ang mukha ni Supt. Rafael Corpuz matapos na tamaan ng bato sa kanyang pagbabantay sa mga demonstrador sa may Lacson Bridge sa Mendiola.

Nasa kritikal na kondisyon naman ang isa pang baguhang pulis na napuruhan ng malaking tipak ng bato sa kanyang batok.

Ipinukol naman ng mga militanteng grupo ang sisi sa hanay ng pulisya sa naganap na kaguluhan kasabay nang pagsasabing mas maraming raliyista ang nakaratay ngayon sa iba’t ibang pagamutan. (Ulat ni Danilo Garcia)

AGLIPAY

DANILO GARCIA

EDGAR AGLIPAY

IPINUKOL

LACSON BRIDGE

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PANGULONG ARROYO

RAFAEL CORPUZ

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with