^

Metro

1,700 pulis CPD hindi sumusuweldo

-
Nasusuong na naman sa kontrobersya ang pamunuan ng Philippine National Police at Central Police District matapos na mabigo ang mga ito na i-remit ang may P30 milyong halaga ng suweldo ng may 1,700 na pulis.

Ayon sa police source, sinabi umano ni Chief Insp. Arnel Olivares, finance chief ng CPD sa mga bagong pulis na ang kanilang suweldo sa buwan ng Disyembre kasama pa ang mid-year bonus ay hindi mare-release dahil sa kakulangan ng pondo.

Gayunman, nagdududa ang may 1,700 na mga PO1s dahil patuloy namang nagre-recruit ang CPD ng may 800 mga bagong pulis.

"Kung kaya nilang mag-recruit at magsanay ng may 800 pulis, siguradong may sapat na pondo para sa aming suweldo," pahayag ng isang apektadong policewoman.

Binanggit pa ng source na kulang ng tig-P500 ang bawat isa sa 1,700 pulis sa suweldong nakuha nila sa buwan ng Enero. Hindi man lang umano nagbigay ng anumang paliwanag ang nabanggit na opisyal.

Hindi naman matagpuan sina Chief Inspector Olivares at CPD director Rodolfo Tor para kunan ng komento tungkol dito. (Ulat ni Matthew Estabillo)

vuukle comment

ARNEL OLIVARES

AYON

BINANGGIT

CENTRAL POLICE DISTRICT

CHIEF INSP

CHIEF INSPECTOR OLIVARES

DISYEMBRE

MATTHEW ESTABILLO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RODOLFO TOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with