Sekyu sa Atlanta ikinanta si Medel
July 24, 2002 | 12:00am
Isa na namang pangunahing testigo na positibong nagtuturo sa suspect na si Philip Medel ay nasa crime scene ilang minuto matapos na madiskubre ang bangkay ng aktres na si Nida Blanca ang hawak ngayon ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon sa testigong hawak ng Bureau, nanatili si Medel sa crime scene matapos na paslangin ang aktres sa 6th floor parking lot ng Atlanta Centre sa Annapolis St., San Juan noong nakalipas na Nobyembre 7.
"Nang matagpuan ang labi ni Nida nagkaroon ng komosyon at si Medel ay nakikigulo pa sa mga tao roon," pahayag ni Atty. Ricardo Diaz, NBI spokesman.
Bagamat tumanggi si Diaz na pangalanan ang testigo nagbigay ito ng pahiwatig na ito ay isang security guard na naka-duty sa Atlanta.
Sinabi pa ni Diaz na ang bagong testigo ay lalong makapagpapalakas ng kaso laban kay Medel.
Magugunitang isa pang testigo na si Leonilo Gonzaga, roommate ni Medel ang nagsabing tinanong siya ni Medel noong nakalipas na taon at humihingi ng tulong patungkol sa kung may kilala siyang hired killer.
Bukod kay Medel, itinuturong utak sa pagpaslang sa aktres ay ang asawang si Rod Strunk na ngayon ay nasa Estados Unidos na.(Ulat ni Mike Frialde)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended