Ex-convict sinalvage
July 22, 2002 | 12:00am
Isang umanoy ex-convict at miyembro ng kilabot na Commando Gang ang natagpuang patay sa ilalim ng isang flyover sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Halos humiwalay na ang leeg bunga ng matinding pagkakahiwa ang inabot ng di-kilalang biktima na may tattoo na commando sa kanang bahagi ng kanyang katawan. Siya ay tinatayang nagkaka-edad ng 30-35, may taas na 52, maputi at nakasuot ng maong pants at nasa tamang pangangatawan.
Sa isinagawang pagsisiyasat ni SPO1 Dennis Basibas, may hawak ng kaso, ng Central Police District Criminal Investigation Division, dakong ala-1:25 ng madaling-araw nang mapansin ng mga nagdaraang sasakyan sa may flyover ng Aurora Boulevard panulukan ng E. Rodriguez Sr. Blvd. Brgy. Emmaculate Concepcion, Cubao ang di-kilalang lalaki habang duguan at may karatula na nakapatong sa kanyang katawan na nakasaad ng Holdaper ako, tutok kalawit.
Bukod dito, nakitaan pa ng ibang sugat sa katawan ang biktima na hinihinalang pinahirapan muna ito bago tuluyang laslasin ang kanyang leeg bunga ng kanyang kamatayan at itapon sa nasabing lugar.
Kasalukuyang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang awtoridad upang mabatid ang pagkakakilanlan ng biktima at ang motibo sa pamamaslang. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest