Mag-utol na pumatay ng kapitbahay dahil sa cara y cruz, tiklo
July 21, 2002 | 12:00am
Inaresto ng pulisya ang dalawa sa tatlong magkakapatid na pedicab driver kaugnay sa isinagawang pamamaslang sa isa nilang kapitbahay dahilan lamang sa dayaan sa larong cara y cruz sa Punta, Sta. Ana, Maynila.
Ang mga dinakip na suspect ay nakilalang sina Edwin dela Torre, 27 at Erwin, 24, tubong Samar at naninirahan sa Posadas St., Sta. Ana, Manila.
Samantalang ang isa pa nilang kapatid na si Eric, 22 ay pinaghahanap pa ng mga awtoridad.
Base sa ulat, napatay ng mga ito ang biktima na si Anthony Gamba, 29, kanilang kapitbahay dakong alas-5:40 ng hapon kamakalawa sa may 7th St. sa panulukan ng Posadas St., Punta Sta. Ana.
Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at isa sa mga suspect na si Eric dahil lamang sa dayaan sa larong cara y cruz.
Sa pag-aakalang naagrabyado, nagsumbong ang suspect sa kanyang dalawang kuya at habang armado ng patalim ay sinugod ng mga ito ang bahay ng biktima.
Napag-alaman na inabutan ng mga suspect ang biktima habang naglalakad malapit sa kanyang bahay at walang sabi-sabing sinugod ito ng magkakapatid at inundayan ng sunod-sunod na saksak.
Ang dalawang dela Torre ay nadakip ng pulisya sa isinagawang follow-up operation. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest