Pulis binoga ng sikyu sa inuman, todas
July 21, 2002 | 12:00am
Isang pulis ang pinagbabaril at napatay ng isang guwardiya matapos na magtalo sa gitna ng inuman, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.
Patay na nang idating sa Muntinlupa City Medical Center ang nasawing parak na si SPO4 Marianito Tato, 52, ng Kapitan Tiago St., Rizal Village, Barangay Alabang ng nabanggit na lungsod. Ito ay nakatalaga sa Police Region Office 4 at nagtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Samantala, agad namang tumakas ang suspect na nakilalang si Leopoldo Angay, nakatalagang guwardiya sa bahay na pag-aari ng isang Supt. Conrado Leynes.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8 kamakalawa ng gabi sa nire-renovate na bahay ni Supt. Leynes na matatagpuan sa naturang lugar.
Nabatid na nag-iinuman ang biktima at suspect kasama ang tatlo pang kalalakihan, hanggang sa biglang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa sa hindi pa mabatid na dahilan.
Biglang kinuha ng suspect ang kanyang baril at pinagbabaril sa biktima.
Mabilis na isinugod ang pulis sa pagamutan subalit hindi na ito umabot pang buhay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended