^

Metro

British national nilooban, dinedo pa

-
Isang British national na director ng isang internet company ang iniulat na nasawi matapos itong looban at pagbabarilin ng tatlong hindi nakikilalang kalalakihan, kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Patay na nang idating sa Makati Medical Center ang biktimang si Steven Davis, 32, director ng Jadecool Internet Management at naninirahan sa Fermina St., Brgy. Olympia ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ito ng ilang tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, mabilis namang nagsitakas ang mga suspect matapos ang insidente dala ang hindi pa mabatid na halaga ng kinulimbat.

Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-2:15 kahapon ng madaling araw nang pasukin ng mga suspect ang bahay ng biktima na matapos makulimbat ang mga mahahalagang gamit ay binaril pa rin ng mga salarin.

Masusi pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

FERMINA ST.

ISANG BRITISH

JADECOOL INTERNET MANAGEMENT

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI MEDICAL CENTER

MASUSI

NAGTAMO

STEVEN DAVIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with