Matapos naman ang may tatlong oras na pagkabihag, napasuko din ni Caloocan Mayor Rey Malonzo ang hostage taker na si Leoner Romero, 38, vendor.
Base sa ulat, hinostage ni Romero ang kanyang mag-ina na sina Zenaida at anak na si Jimboy, 4, matapos na maaburido dahil sa takot na iiwan na siya ng kanyang asawa.
Napag-alaman na nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mag-asawa hanggang sa maaburido ang suspect at kumuha ng patalim saka hinostage ang kanyang mag-ina.
Sinabi naman ni Malonzo na nasa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot ang suspect nang isagawa nito ang panghohostage. (Ulat ni Rose Tamayo)