Lara Morena nag-sideshow sa NAIA; immigration officers pinupog ng halik
July 19, 2002 | 12:00am
Nagkaroon ng kaunting "sideshow" sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Martes ng gabi nang dumating ang bold actress na si Lara Morena.
Bagamat hindi nanggulo ang aktres, pinagpiyestahan siyang panoorin ng mga kagawad ng Bureau of Immigration (BI) nang paghahalikan ng una ang dalawang immigration officers na noon ay nasa kanilang counters at nagpoproseso ng mga dumarating na pasahero.
Ang aktres ay dumating sa NAIA buhat Guam sakay ng Continental Airlines dakong alas-10 ng gabi.
Ayon sa mga nakasaksi, palapit pa lang ang aktres sa immigration lane ay kakaiba na ang ikinikilos nito. Kakaiba ang saya nito at pakaway-kaway pa sa mga airport crew na kanyang nadadaanan.
Nang nasa immigration lane na umano ito ay biglang umakyat sa counter at niyakap ang dalawang opisyal ng BI at halinhinang hinalikan ang mga ito.
"Wala kaming magawa. Bigla kaming niyakap at hinalikan. Hindi naman amoy alak pero iba ang kilos. Hindi naman niya gagawin yon kung normal siya. Hindi ko alam kung may karga", wika ng mga opisyal na ayaw ipabanggit ang pangalan.
Hindi pa doon natapos ang show ni Lara. Nang palabas na umano ito sa arrival area ay hinalikan niya sa lips ang isang guwardiya ng PASSCOR na kanyang nakasalubong at pagkatapos ay pakembut-kembot pa itong lumabas at kumaway. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended