Ang naturang hakbangin ay isasagawa ng National Police Commission (NAPOLCOM) at DILG base na rin sa naging kautusan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na maibalik sa local mayors ang kapangyarihan na kontrolin ang pulisya.
Sinabi ni NAPOLCOM Chairman/ DILG Secretary Jose Lina Jr. na magpapalabas sila ng draft ng memorandum circular na nakasaad ang paglilinaw kung hanggang saan ang kapangyarihan nila sa pag-kontrol sa PNP upang wala silang malabag na batas.
Bukod sa itatakdang seminar, bibigyan din nila ng guidelines ang mga local executives para na rin maiwasang maging private armies ang mga pulis.
Nabatid na dalawang linggo ang ibinigay na takdang panahon ng Pangulo para mai-draft ang memorandum circular para sa pagpapatupad ng kautusan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)