^

Metro

Pagbabalik ng pulis sa kontrol ng mayors pinaghahandaan

-
Upang maiwasang maging private armies ng ilang mga mayor ang mga pulis na nakatalaga sa kanilang hurisdiksyon, isasailalim sa seminar ang mga alkalde upang ipaalam sa kanila kung hanggang saan lamang ang kanilang kapangyarihan para kontrolin ang mga local police.

Ang naturang hakbangin ay isasagawa ng National Police Commission (NAPOLCOM) at DILG base na rin sa naging kautusan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na maibalik sa local mayors ang kapangyarihan na kontrolin ang pulisya.

Sinabi ni NAPOLCOM Chairman/ DILG Secretary Jose Lina Jr. na magpapalabas sila ng draft ng memorandum circular na nakasaad ang paglilinaw kung hanggang saan ang kapangyarihan nila sa pag-kontrol sa PNP upang wala silang malabag na batas.

Bukod sa itatakdang seminar, bibigyan din nila ng guidelines ang mga local executives para na rin maiwasang maging private armies ang mga pulis.

Nabatid na dalawang linggo ang ibinigay na takdang panahon ng Pangulo para mai-draft ang memorandum circular para sa pagpapatupad ng kautusan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BUKOD

LORDETH BONILLA

NABATID

NATIONAL POLICE COMMISSION

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

SECRETARY JOSE LINA JR.

SINABI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with