^

Metro

300 bading inihiwalay ng selda dahil sa kasong anal sex

-
Tinatayang humigit-kumulang sa 300 mga ‘bading’ na presong nakapiit sa New Bilibid Prison (NBP) ang tuluyang inihiwalay ng selda sa mga kalalakihan dahil sa ulat na talamak umano ang anal sex dito.

Ayon kay NBP director Ricardo Macala, ang naturang hakbang ay kanilang ginawa para na rin pigilan ang ilang mga kalaswaan ng mga bilanggo.

Ang aksyon naman ay ginawa ni Macala, matapos ang mga ulat na laganap na ang sakit sa mga preso dahil nga sa nagaganap dito na pakikipagtalik sa kapwa nila lalaki.

Inihayag pa nito na mahigpit na ipinagbabawal ng Pambansang Piitan ang anal sex sa mga inmate subalit may ilan na nakakalusot pa rin.

Dahil dito, naging mahigpit ang kautusan ng nasabing opisyal na papatawan ng kaparusahan, tatanggalan ng mga prebilehiyo at hindi mabibigyan ng conditional pardon ang sinumang preso na mahuhuli sa ganitong uri ng gawain.

Sa kabila nito, itinanggi naman ni Macala na may sakit na ‘tulo’ ang ilang preso dito bunga nga ng nagaganap na anal sex.

Ayon sa kanya may regular na check up ang mga bilanggo at sa mga medical report ay walang iniuulat tungkol sa sakit na ‘tulo’.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

DAHIL

INIHAYAG

LORDETH BONILLA

MACALA

NEW BILIBID PRISON

PAMBANSANG PIITAN

RICARDO MACALA

TINATAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with