^

Metro

Golez, Saycon idinadawit sa Cervantes slay

-
May nalalaman umano sina Council of Philippine Affairs (COPA) Secretary-General Pastor "Boy" Saycon at National Security Adviser Roilo Golez sa pagpatay kay Young Officers Union (YOU) spokesman Baron Cervantes.

Batay sa isinumiteng pitong-pahinang counter-affidavit sa Department of Justice (DOJ) ni Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa (RAM) leader Supt. Rafael Cardeño, isa sa mga akusado sa krimen, may nalalaman umano si Saycon at Golez sa pagpatay kay Cervantes.

Tauhan umano nina Saycon at Golez si Cervantes kaya’t tiyak na may nalalaman ang mga ito sa naturang krimen.

Iginiit din nito sa kanyang counter-affidavit na isinumite sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Homobono Adaza na nakasaad sa report ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Nestorio Gualberto ang pagkakasangkot nina Golez at Saycon sa krimen.

Tinukoy nito ang umano’y pagpaplano para sa pagpatay kay Cervantes, subalit patuloy na itinatago naman sa kamay ng DOJ ang Gualberto report.

Iginiit pa ni Cardeño sa DOJ na dapat lamang isumite sa prosekusyon ang naturang ulat ni Gualberto upang hindi siya mapagkaitan ng hustisya.

Hiniling nito sa DOJ na magpalabas ng subpoena laban kay Gualberto para ilabas ang mga dokumento at testimonya na magdidiin at magsisiwalat ng katotohanan hinggil sa pagkakasangkot nina Golez at Saycon sa krimen.

Sinabi ni Cardeño na ito lamang ang tuluyang lilinis sa kanyang pangalan dahil wala siyang nalalaman sa ibinibintang na pagpatay kay Cervantes.

Matatandaan na bukod kay Cardeño ay kasama rin sa mga kinasuhan ng Philippine National Police (PNP) sina Marine Sgt. Joseph Mostrales, Jaime Centeno at Erlindo Torres.

Sina Mostrales, Centeno at Torres ay pawang mga naaresto at nagnanais na tumayong state witness laban kay Cardeño na siya umanong nag-utos na patayin si Cervantes.

Matatandaang pinatay si Cervantes noong Disyembre 31, 2001 sa Las Piñas dahil sa umano’y nalalaman nito na planong rebelyon ng RAM laban sa pamahalaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

BARON CERVANTES

CERVANTES

COUNCIL OF PHILIPPINE AFFAIRS

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DEPARTMENT OF JUSTICE

ERLINDO TORRES

GEMMA AMARGO

GOLEZ

GUALBERTO

SAYCON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with