Dalaga nabagsakan ng bakal sa pabrika tigok
July 15, 2002 | 12:00am
Durog ang katawan na namatay ang isang dalagang factory worker nang aksidenteng madaganan ito ng mga bakal na kanilang itinatabi matapos na matungkab na bumagsak sa pagkakapit ang kalo (chain block) na kanilang gamit sa pagbubuhat kamakalawa ng gabi sa Bayan ng Navotas.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center (TMC) ay si Mirasol Egloso, 25-anyos, stay-in factory worker ng Cleanware Plastic Factory na pag-aari ng isang Jason Lee at matatagpuan sa #168 Federico St. San Rafael Village.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Rafael Espadero, may hawak ng kaso, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob mismo ng nasabing pabrika sa naturang lugar.
Nabatid na kasalukuyang nagtutulung-tulong ang biktima kasama ang mga katrabaho nitong sina Joe Talido, Jonibi Lidradilla at Michael Lagumbay, pawang mga stay-in worker rin ng naturang pabrika sa pagbubuhat at pagtatabi ng mga bakal gamit ang isang kalo (chain block).
Dito, habang abala sa kanilang ginagawa ay hindi sinasadyang natungkab sa pagkakapit ang chain block na kanilang gamit at aksidenteng bumagsak ito kasama ang mga bakal na buhat-buhat ng kalo at madaganan ang katawan ng biktima.
Agaran namang nagsidalo ang mga kasama nito upang maialis ang mga bakal na nakadagan sa biktima at mabilis itong isinugod sa nasabing pagamutan subalit hindi na nagawa pang maisalba ng mga manggagamot ang buhay nito.
Kasalukuyan ngayong nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya hinggil sa naganap na insidente at inaalam kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended