^

Metro

Pumalag sa arresting officer binoga, patay

-
‘Hindi ako pahuhuli ng buhay’.

Ito umano ang huling sinambit ng pugante na nanlaban kung kaya’t binaril at napatay ng mga awtoridad kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Namatay noon din ang puganteng si Renato Aguilar, 29, dating company driver at tubong Lambakan, Jaen Nueva Ecija, sanhi ng tinamong tama ng bala ng 9mm na baril sa katawan.

Nauna rito si Aguilar ay isang taon ng nakulong sa Quezon City Jail (QCJ) makaraang kasuhan ng kanyang pinagtatrabahuhang kompanya ng ‘qualified theft’ dahil sa pagbebenta nito ng lamang gasolina ng kaniyang minamanehong tanker.

Dahil sa nais makita ang kanyang pamilya sa kanilang lalawigan ay tumakas siya sa piitan nitong Abril 23 at umuwi ng probinsiya.

Ngunit kamakalawa ay nakatanggap ng tip ang pulisya na nakita sa Gana Compd. Brgy. Unang Sigaw Quezon City ang suspect.

Sa pamumuno ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Jail Inspector Ronial Popera ay agad na tinungo ang kinaroroonan ng pugante.

Ngunit nang namataan ni Aguilar ang mga operatiba ay agad na pinaputukan ang mga ito dahilan upang gumanti ng putok ang mga pulis na naging dahilan ng kaniyang kamatayan. (Ulat ni Ellen Fernando)

AGUILAR

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

ELLEN FERNANDO

GANA COMPD

JAEN NUEVA ECIJA

JAIL INSPECTOR RONIAL POPERA

NGUNIT

QUEZON CITY

QUEZON CITY JAIL

RENATO AGUILAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with