^

Metro

Lalaki lasog sa tren

-
Nagkalasug-lasog hanggang sa mamatay ang isang di-kilalang lalaki makaraang magbanggaan ang isang pampasaherong jeep at rumaragasang tren kahapon ng hapon sa Sta. Cruz, Manila.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakikilala ang biktima na pinaniniwalaang isang estudyante matapos na salpukin ng tren na patungong Bicol ang jeep na may plakang PVL-788 at minamaneho ni Emilio Villamor, 31, ng biyaheng Blumentritt-Baclaran.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng WPD-Traffic Management Group, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon, habang paparating ang rumaragasang tren galing sa Tutuban patungong Bicol nang biglang makipag-unahan ang pampasaherong jeep na minamaheno ni Villamor patungo sa may panulukan ng Antipolo St. at Rizal Avenue ng nasabing lugar.

Agad na nakatalon ang ibang pasahero kasama ang driver ng nasabing jeep samantalang naiwan ang hindi pa nakikilalang biktima.

Namatay noon din ang nasabing biktima na hindi na nagawang maisugod sa pinakamalapit na pagamutan habang ang driver ng jeep ay nasa kustodya na ng pulisya. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

ANTIPOLO ST.

AYON

BICOL

BLUMENTRITT-BACLARAN

CRUZ

EMILIO VILLAMOR

GRACE AMARGO

HANGGANG

RIZAL AVENUE

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with