^

Metro

258 illegal aliens tiklo ng BI

-
May kabuuang 258 illegal aliens, kabilang dito ang anim na pinaghihinalaang mga terorista ang naaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa loob ng anim na buwan sa taong kasalukuyan, kung saan 104 dito ay naideport na sa kani-kanilang mga bansang pinagmulan, ayon kay BI Commissioner Andrea Domingo.

Sa ulat ni Domingo kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ang mga naarestong dayuhan ay pawang lumabag sa immigration law ng bansa dahilan upang ang mga ito ay ipatapon.

Karamihan sa mga naaresto ay pawang may kasong overstaying, undocumented o nagtatrabaho sa bansa ng walang working visa.

Iniulat din ni Domingo na 20 sa mga naaresto ay pawang mga pugante sa kanilang mga bansa at anim dito ang hinihinalang mga terorista.

Kabilang dito ang mga Indonesian na sina Fathru Rohman Al-Ghouzi, na umaming may kinalaman sa 2000 Rizal Day bombings, Agus Dwukarna, Abdul Jamal Balfas at Jamsid Lim na nahulihan ng mga eksplosibo sa NAIA noong Marso 13 at ang dalawang Jordanians na sina Nedhal Falah Awwad Al-Dhalain at Ahmad Abdellaiff Jubran, isang suicide bomber na responsable sa 1993 bombing sa San Pedro Cathedral sa Davao. (Ulat ni Andi Garcia)

ABDUL JAMAL BALFAS

AGUS DWUKARNA

AHMAD ABDELLAIFF JUBRAN

ANDI GARCIA

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

DOMINGO

FATHRU ROHMAN AL-GHOUZI

JAMSID LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with