Pulis nahulihan ng shabu habang naka-duty
July 12, 2002 | 12:00am
Bagsak kalaboso ang isang pulis na pinaghihinalaang may malawak na koneksyon sa Hong Kong Triad drug syndicate na aktibong kumikilos sa Metro Manila matapos mahulihan ng may P.2 M halaga ng shabu habang naka-duty sa EPD headquarters annex sa Pasig City, kahapon ng madaling araw.
Nakilala ang dinakip na pulis na si PO2 Elmer Ramos, 26, ng Liberty St., Cubao, Quezon City at nakatalaga sa District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng EPD.
Nabatid na dakong alas- 4 kahapon ng madaling araw nang dumating ang nabanggit na pulis sa EPD Annex upang mag-duty, ilang sandali pa ay nakatulog ito kung saan ay eksaktong dating naman ng kanyang mga kasamahan sa DDEU sa pamumuno ni Supt. Romeo Abaring na nagsagawa ng spot inspection.
Tulog umano ang suspect kaya nagkaroon ng pagkakataon ang mga arresting team na buksan ang zipper ng suot nitong beltbag.
Hindi bababa sa 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng may P200,000 ang nasamsam sa pulis.
Ayon kay Abaring, matagal na umano nilang minamanmanan ang suspect matapos silang makatanggap ng impormasyon tungkol sa ginagawang pagtutulak nito ng droga kung saan ay ginagamit nito ang kanyang kapangyarihan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest