Tulad ng inaasahan nag-plead ng not guilty si Lumbao sa nasabing kaso na umanoy pamumuno nito sa paglusob sa Malacañang noong Mayo 1, 2001.
Bahagyang naantala ang pagbasa ng sakdal kay Lumbao dahil sa wala pa ang abogado nito nang unang tawagin ang kaso kaya naman nag-utos si Presiding Judge Teresa Soriaso ng Branch 27 na hintayin muna ang abogado nito.
Bago nagpahayag ng plea ay nagpahayag si Lumbao ng kanyang sama ng loob sa itinatakbo ng kanyang kaso na agad na inawat ni Judge Soriaso at humiling dito na sabihin na lamang kung ano ang kanyang plea.
Habang binabasahan ng kaso si Lumbao ay dumagsa ang may 1000 miyembro ng PMAP sa Manila City Hall na humihiling na ibasura ang kaso.
Samantala hindi pa rin nareresolba ng korte ang mosyon na inihain ng Philippine National Police na humihiling na mailipat si Lumbao sa Manila City Jail mula sa Criminal Investigation Detection Group detention cell kung saan ito kasalukuyang nakapiit. Itinakda ang unang pagdinig ng kaso sa Hulyo 19. (Ulat ni Andi Garcia)