^

Metro

Lumbao, nag-plead ng 'not-guilty'

-
Binasahan kahapon ng kasong rebelyon sa Manila Regional Trial Court ang lider ng People’s Movement Against Poverty (PMAP) at kilalang Erap loyalists na si Ronald Lumbao kaugnay sa kinakaharap nitong kaso.

Tulad ng inaasahan nag-plead ng not guilty si Lumbao sa nasabing kaso na umano’y pamumuno nito sa paglusob sa Malacañang noong Mayo 1, 2001.

Bahagyang naantala ang pagbasa ng sakdal kay Lumbao dahil sa wala pa ang abogado nito nang unang tawagin ang kaso kaya naman nag-utos si Presiding Judge Teresa Soriaso ng Branch 27 na hintayin muna ang abogado nito.

Bago nagpahayag ng plea ay nagpahayag si Lumbao ng kanyang sama ng loob sa itinatakbo ng kanyang kaso na agad na inawat ni Judge Soriaso at humiling dito na sabihin na lamang kung ano ang kanyang plea.

Habang binabasahan ng kaso si Lumbao ay dumagsa ang may 1000 miyembro ng PMAP sa Manila City Hall na humihiling na ibasura ang kaso.

Samantala hindi pa rin nareresolba ng korte ang mosyon na inihain ng Philippine National Police na humihiling na mailipat si Lumbao sa Manila City Jail mula sa Criminal Investigation Detection Group detention cell kung saan ito kasalukuyang nakapiit. Itinakda ang unang pagdinig ng kaso sa Hulyo 19. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

CRIMINAL INVESTIGATION DETECTION GROUP

JUDGE SORIASO

KASO

LUMBAO

MANILA CITY HALL

MANILA CITY JAIL

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MOVEMENT AGAINST POVERTY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with