Bukod sa mga kasalukuyan nang traffic enforcer, balak ni Fernando na bumuo ng special parking forces na gagabay sa mga motorista at huhuli din naman sa mga lumalabag.
Nabatid na bibigyan ng mga sasakyan ang mga itatalagang parking enforcer na siyang iikot sa buong Metro Manila upang mamonitor ang mga tamang pagpaparada.
Sa planong ito, hihingin ng MMDA ang tulong ng lokal na pamahalaan para sa mahigpit na pagpapatupad ng tamang pagpaparada.
Maghahanda din sila ng mga sign sa lansangan upang malaman ng mga motorista ang lugar na puwede at bawal paradahan.
Samantala, pormal nang isinailalim kahapon sa MMDA ang pangangasiwa sa lahat ng flood control projects at programa ng DPWH.
Ito ay matapos nang lumagda sa memorandum of agreement sina DPWH Secretary Simeon Datumanong at MMDA chairman Bayani Fernando kung saan napagkasunduang ilipat ang lahat ng functions at responsibilities para sa flood control sa buong Metro Manila kabilang na ang programa, proyekto, gayundin ang mga tauhan, pondo, equipment, facilities, records at assets ng naunang ahensiya.(Ulat ni Lordeth Bonilla at Jhay Mejias)