Cholera nakaambang umatake sa Manila City Jail
July 10, 2002 | 12:00am
Nangangamba ang pamunuan ng Manila City Jail (MCJ) sa posibilidad na kumalat ang sakit na cholera sa loob ng piitan bunga na rin ng mataas na tubig baha na pumasok dito.
Dahil dito, isa na namang preso ang iniulat na nasawi kahapon matapos ang matinding pagsakit ng tiyan na naranasan.
Namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Hospital ang preso na nakilalang si Joey dela Cruz, 29, na nakapiit sa selda #9.
Nabatid na matinding pagsakit ng tiyan ang naranasan ng naturang preso kaya ito isinugod sa pagamutan.
Sinabi naman ni MCJ Warden Supt. Norvel Mingoa, na patuloy pa ring nakalutang sa mataas na tubig baha ang piitan, ito ay dahil na rin sa sirang drainage kung kayat pati ang iniinom na tubig ng mga preso ay naapektuhan na rin.
Hanggang kahapon ay hanggang tuhod pa rin ang tubig sa loob mismo ng mga selda sa piitan. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am