Ayon kay NBI Deputy Assistant Director Fermin Nasol ang mga nasabing kahon na naglalaman ng mga pekeng treasury notes na nagkakahalaga ng US$500 bawat isa ay nakuha sa warehouse ng mga suspect na nakilala lamang sa pangalang W.F. Grubi at Keith P. Leblanc ng 153 Quirino Avenue, Parañaque City.
Sa isinagawang imbestigasyon ng NBI-Special Action Unit nakatanggap ng impormasyon ang nasabing kagawaran noong Hunyo 27 na mayroon umanong nakatagong mga dolyar sa loob ng nasabing bodega ng mga suspect.
Bunga nitoy, agad na kumuha ng search warrant ang NBI kay Manila RTC Judge Enrico Lanzanas at saka isinagawa ang pagsalakay.
Subalit sa halip na mga dolyar ang makita ay pawang mga pekeng U.S. treasury notes ang nasamsam.
Isang manhunt operation ang inilunsad ng NBI laban sa mga suspect.(Ulat ni Grace Amargo)