^

Metro

Milyong halaga ng pekeng US treasury notes, nasamsam

-
Nakumpiska kahapon ng mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 33 kahon na naglalaman ng daan-daang mga pekeng U.S. Federal Treasury notes na umaabot sa milyong halaga.

Ayon kay NBI Deputy Assistant Director Fermin Nasol ang mga nasabing kahon na naglalaman ng mga pekeng treasury notes na nagkakahalaga ng US$500 bawat isa ay nakuha sa warehouse ng mga suspect na nakilala lamang sa pangalang W.F. Grubi at Keith P. Leblanc ng 153 Quirino Avenue, Parañaque City.

Sa isinagawang imbestigasyon ng NBI-Special Action Unit nakatanggap ng impormasyon ang nasabing kagawaran noong Hunyo 27 na mayroon umanong nakatagong mga dolyar sa loob ng nasabing bodega ng mga suspect.

Bunga nito’y, agad na kumuha ng search warrant ang NBI kay Manila RTC Judge Enrico Lanzanas at saka isinagawa ang pagsalakay.

Subalit sa halip na mga dolyar ang makita ay pawang mga pekeng U.S. treasury notes ang nasamsam.

Isang manhunt operation ang inilunsad ng NBI laban sa mga suspect.(Ulat ni Grace Amargo)

AYON

DEPUTY ASSISTANT DIRECTOR FERMIN NASOL

FEDERAL TREASURY

GRACE AMARGO

JUDGE ENRICO LANZANAS

KEITH P

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUIRINO AVENUE

SPECIAL ACTION UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with