^

Metro

Bilang ng evacuees sa CAMANAVA area, dumarami

-
Nadagdagan pa ang dami ng mga pamilya na inilikas sa matataas na lugar sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) kahapon sanhi ng patuloy na pag-ulan na sinabayan pa ng high tide.

Sa lungsod ng Caloocan City, isang 4-anyos na batang lalake ang iniulat na nalunod nang mahulog ito sa isang open manhole sa harap ng public school sa Bagong Silang, habang isa pang lalake ang nakitang lulutang-lutang malapit sa pumping station sa Barangay Concepcion sa Malabon City.

Ang dalawa ay kabilang sa pinakahuling bilang ng nasawi dahil sa monsoon rains dala ng bagyong si Gloria na nagdulot ng malakas at walang tigil na pag-ulan sa Metro Manila, Luzon at Southern Tagalog Region.

Hanggang sa kasalukuyan, marami pa ring mga pangunahing lansangan sa CAMANAVA area ang nananatiling lubog sa tubig-baha at ang pinakagrabe ay sa Malabon City na may 317 pamilya ang pansamantalang nanuluyan sa 12 evacuation centers.

Sa 21 namang barangay sa Malabon, 19 dito ay apektado ng baha.

Sa Valenzuela City, umaabot sa 214 pamilya ang inilikas at dinala sa 8 evacuation centers.

Tinatayang aabot sa 7,340 pamilya sa 28 barangay sa CAMANAVA area ang naapektuhan nang pagbaha. (Ulat ni Rose Tamayo)

BAGONG SILANG

BARANGAY CONCEPCION

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

MALABON

MALABON CITY

METRO MANILA

ROSE TAMAYO

SA VALENZUELA CITY

SOUTHERN TAGALOG REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with