^

Metro

Watawat sa Luneta nahati sa dalawa

-
Dahil sa sobrang lakas ng hangin, nawasak ang watawat ng Pilipinas na nasa harap ng bantayog ni Gat Jose Rizal sa Luneta Park kahapon ng hapon.

Ito ang napag-alaman ng Pilipino Star Ngayon matapos mahati ang watawat at humiwalay ang pulang tela sa kulay asul na tela dakong alas-5:30 ng hapon.

Ang nasabing watawat ay taunang itinataas ng sinumang maging Pangulo ng bansa tuwing sasapit ang kamatayan o kapanganakan ni Gat Jose Rizal o Araw ng Kalayaan ng bansa.

Ang watawat sa Luneta ay itinuturing na pinakamalaki sa bansa na nagwawagayway sa harap ng pambansang bayani na kadalasan na pinapasyalan ng mga turista.

Napag-alaman na hinampas nang malakas na hangin ang nasabing bandila na naging dahilan nang pagkapunit nito at pagkahati.

Maging ang mga nagtatanod sa bantayog ni Rizal na mga miyembro ng Philippine Marines ay walang nagawa kundi pagmasdan na lamang ang napunit na bandila.

Magugunita na bago sumapit ang Araw ng Kalayaan noong Hunyo 12 ay nagpahayag si Senator Blas Ople na dapat ay alagaan at pagyamanin ang watawat dahil sa ito ay kayamanan ng bansa na nagpapatunay ng ating lahi at huwag hayaang masira, mapunit o mawasak. (Ulat ni Rudy Andal)

ARAW

DAHIL

GAT JOSE RIZAL

HUNYO

KALAYAAN

LUNETA PARK

PHILIPPINE MARINES

PILIPINO STAR NGAYON

RUDY ANDAL

SENATOR BLAS OPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with