Kumulimbat sa may 7.8 kilo ng shabu sa NBI, tiklo
July 6, 2002 | 12:00am
Dinakip na kahapon ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang dating chemist ng bureau na may kinalaman sa pagkawala ng may 7.8 kilos ng shabu sa stock room ng nasabing kagawaran.
Batay sa naging imbestigasyon ng NBI-National Capital Region sa pamumuno ni Atty. Edmund Arugay lumalabas na ang shabu ay kinulimbat ni Howel Mapoy, 29, dating chemist ng NBI-Forensic Chemistry Division (FCD) at naninirahan sa Grand Town Village, Sumapang Matanda, Malolos, Bulacan.
Nabatid na matagal na umanong pinagsususpetsahan ang kilos ni Mapoy dahil nang magsimula na ang imbestigasyon sa pagkawala ng kilu-kilong shabu ay mabilis na itong nagpalipat sa Bureau of Mines . Hindi pa man nailalabas ang bagong order dito ay nagsumite na agad ito ng leave.
Nang mabalitaan naman nito na nasibak na ang tatlong opisyal ng FCD ay agad na bumalik sa tanggapan ng NBI si Mapoy upang kunin ang iba pa niyang naiwang gamit, ngunit ito ay hindi na inalpasan ng binuong panel of investigators ng NBI at agad itong isinalang sa polygraph test at lumabas na positibong nagsisinungaling ito.
Sa isinagawa pang imbestigasyon dito, nabatid na marami na umanong naging ari-arian si Mapoy na hindi naman niya makakayang bilhin kung ang pagbabasehan ay ang maliit na suweldo nito.
Matapos mapatunayan na si Mapoy ay may kinalaman sa pagkawala ng nasabing shabu ay agad naman na nagpalabas ng arrest warrant si Judge Enrico Lanzanes ng Manila Regional Trial Court Branch 7 at mabilis na dinakip ang nasabing suspect.
Gayunman, masusi pa ring pinag-aaralan ng NBI kung bahagi pa rin ng nawalang shabu ang nakitang 20.58 gramo ng shabu sa loob ng bahay ni Mapoy.(Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended