^

Metro

Gensan bomber iniluwas sa Maynila

-
Dumating kahapon ng tanghali sa Maynila ang pangunahing suspect sa pagpapasabog ng bomba sa isang palengke sa Gen. Santos City may tatlong buwan na ang nakakaraan kung saan 15 sibilyan ang iniulat na namatay.

Si Ustad Nur Mohammad, alyas Abu Muslim Al Ghozi ay bumaba sa Manila Domestic Airport dakong alas-12 ng tanghali sakay ng Philippine Airlines flight PR 454 buhat sa Gen. Santos City.

Kasama ng suspected bomber si Senior Supt. Bartolome Baluyot, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Supt. Napoleon Cuanto, team leader ng CIDG na umaresto kay Mohammad.

Nakaposas at nanatiling tahimik si Mohammad habang isinasakay sa isang van patungo sa Department of Justice.

Matatandaan na pinasabog ng hinihinalang terorista ang Gensan flea market kamakailan. Ang bomba ay itinanim sa isang nakaparadang tricycle sa may palengke.

Labinlimang sibilyan ang iniulat na nasawi, habang marami pa ang nasugatan. (Ulat ni Butch Quejada)

ABU MUSLIM AL GHOZI

BARTOLOME BALUYOT

BUTCH QUEJADA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DEPARTMENT OF JUSTICE

MANILA DOMESTIC AIRPORT

MOHAMMAD

NAPOLEON CUANTO

PHILIPPINE AIRLINES

SANTOS CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with