^

Metro

Prinsipal, 2 guro sa Tomas Earnshaw Elem. School sinibak

-
Sinibak kahapon sa kanyang puwesto ang prinsipal ng Tomas Earnshaw Elementary School sa Sta. Ana, Maynila, gayundin ang dalawang guro na nagsilbi bilang food handlers sa canteen nito, kaugnay sa naganap na malawakang food poisoning noong nakaraang Biyernes.

Napag-alaman na inihahanda na ang kasong administratibo at sibil laban sa school principal na si Dr. Ofelia Viray matapos ang naganap na pagkalason sa mahigit sa 600 estudyante sa nabanggit na paaralan.

Samantala, sinabi naman ni Manila Health Department chief Dr. Florante Baltazar na ‘salmonella infection’ ang siyang ugat ng pagkakalason sa maraming mga pupil sa paaralan.

Ayon kay Division of City Schools Superintendent Dr. Ma. Luisa Quinones, si Viray ay papalitan ng gurong si Francisco Apollo, samantalang ang mga gurong sina Jen Saya at Siel Ramos ay inalis din sa posisyon upang masigurong patas ang ginagawang imbestigasyon.

Kinumpirma ni Baltazar na ang egg sandwich na may mayonnaise dressing na kinain ng mga mag-aaral ang siyang nakalason sa mga ito.

Idinagdag pa nito na kung ang iba’t ibang testing na ginawa ng MHD ang pagbabatayan, lumilitaw na ang insidente ay hindi likha ng water contamination.

Ayon sa kanya, ang mga nasabing sandwiches ay inihanda sampung oras bago ito ipinakain sa mga estudyante. (Ulat ni Andi Garcia)

vuukle comment

ANDI GARCIA

AYON

DR. FLORANTE BALTAZAR

DR. MA

DR. OFELIA VIRAY

FRANCISCO APOLLO

JEN SAYA

LUISA QUINONES

MANILA HEALTH DEPARTMENT

SIEL RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with