21-pulis Pasay 'di pa lusot sa kaso
July 3, 2002 | 12:00am
Hindi pa rin ligtas sa kasong kinakaharap ang 21-pulis Pasay na nasangkot sa madugong hostage tragedy sa naturang siyudad sa kabila nang pag-urong ng pamilya ni Dexter Balala, ang 4-anyos na bata na nasawi sa hostage na ituloy ang kaso laban sa mga pulis.
Ayon kay Pasay City State Prosecutor Francisco Veron, sa kabila na nagharap ng affidavit of desistance ang pamilya ni Dexter, hindi pa rin ligtas ang 21 pulis na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.
Nabatid na ang nagsampa ng kaso laban sa mga pulis ay ang pamunuan ng Southern Police District Office (SPDO).
Dahil dito, sinabi ng piskalya na malabong ibasura ang kasong isinampa laban sa mga pulis sa naging palpak na pagresponde sa naganap na hostage drama noong Mayo 31 sa Philtranco Bus Terminal na dito bukod kay Dexter nasawi rin ang hostage taker na si Diomedes Talbo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended