^

Metro

7 bulag na scholars ni GMA, hindi tinanggap sa PUP

-
Pitong mga bulag na scholars ni Pangulong Gloria-Macapagal Arroyo ang ni-reject ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) dahil sa umano’y wala pang pasilidad ang naturang unibersidad para sa ganitong uri ng kapansanan.

Kasabay nito, pinaratangan kahapon ni Senator Tessie Aquino-Oreta na ‘bulag’ ang Malacañang ukol sa kabiguan nito na ihanap ng angkop na kolehiyo ang mga bulag na mag-aaral na nabigyan ng scholarship ng Pangulo.

Nabatid na dalawang unibersidad lamang ang inalok ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para pagpilian ng mga bulag na scholars ng Pangulo. Ito ay ang Technological University of Philippines (TUP) at Polytechnic University of the Philippines (PUP).

Ngunit ayon sa ulat, wala umanong pasilidad ang dalawang nabanggit na paaralan para sa mga may kapansanan. At dahil dito, hindi umano tinanggap ng PUP ang mga bulag na scholars.

Ang mga ni-reject ng PUP na scholars ay sina Aldeline Versoza, Rene Albao, Andrea Adremesin, Joel Rescobar, Jessel Rivera, Bienalyn Villanueva at Charina Zuniga.

Sinabi pa ni Oreta na kung nagsagawa lamang ng masusing research ang Malacañang ay nalaman sana nito na merong apat na state colleges at universities sa bansa na may pasilidad para sa mga may kapansanan. Ito ay ang UP, City College of Manila, Bataan State University at Mindanao State University.(Ulat ni Rudy Andal)

ALDELINE VERSOZA

ANDREA ADREMESIN

BATAAN STATE UNIVERSITY

BIENALYN VILLANUEVA

CHARINA ZUNIGA

CITY COLLEGE OF MANILA

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

JESSEL RIVERA

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with