Ayon kay Roco na sa lalong madaling panahon ay tatapusin nila ang imbestigasyon upang malaman kung sino ang pananagutin sa pangyayari.
Isinasailalim sa masusing imbestigasyon si Dra. Ofelia Viray, principal ng Tomas Earnshaw Elementary School na matatagpuan sa Punta, Sta. Ana dahil sa direktiba nitong pagbabawal na magdala ng baon sa halip ay bumili na lamang umano ng pagkain sa canteen.
Ang mag-aaral mula grade 1 hanggang garde 6 ay nakaranas nang pagsusuka, pagkahilo at pananakit ng tiyan noong Biyernes matapos makakain ng nasabing pagkain na nabili sa canteen.
Lumalabas sa pagsusuri ng mga doktor na pinagdalhan ng mga biktma na ang tuna sandwich at sopas ang nakalason sa mga ito. (Ulat ni Joy Cantos)