^

Metro

Imbestigasyon sa pagkalason ng mga estudyante madaliin-Roco

-
Minamadali ni Education Secretary Raul Roco ang imbestigasyon sa may 350 mag-aaral sa elementarya na nalason sa kinaing tuna sandwich at sopas sa Sta. Ana, Manila noong Biyernes.

Ayon kay Roco na sa lalong madaling panahon ay tatapusin nila ang imbestigasyon upang malaman kung sino ang pananagutin sa pangyayari.

Isinasailalim sa masusing imbestigasyon si Dra. Ofelia Viray, principal ng Tomas Earnshaw Elementary School na matatagpuan sa Punta, Sta. Ana dahil sa direktiba nitong pagbabawal na magdala ng baon sa halip ay bumili na lamang umano ng pagkain sa canteen.

Ang mag-aaral mula grade 1 hanggang garde 6 ay nakaranas nang pagsusuka, pagkahilo at pananakit ng tiyan noong Biyernes matapos makakain ng nasabing pagkain na nabili sa canteen.

Lumalabas sa pagsusuri ng mga doktor na pinagdalhan ng mga biktma na ang tuna sandwich at sopas ang nakalason sa mga ito. (Ulat ni Joy Cantos)

AYON

BIYERNES

DRA

EDUCATION SECRETARY RAUL ROCO

ISINASAILALIM

JOY CANTOS

LUMALABAS

MINAMADALI

OFELIA VIRAY

TOMAS EARNSHAW ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with