Sa apat na pahinang desisyon ni Judge Felixberto Olalia ng Branch 8 ay sinabi nito na nabigo ang prosekusyon na suportahan ng matibay na ebidensiya na ibinibintang sa aktres sa kasong estafa.
Ipinaliwanag sa desisyon na estafa ang ikinategoryang kaso kay Ruffa sa ginawa nitong pagtawag sa pangalan ni Gabby Concepcion bilang nanalong Best Actor noong gabi ng parangal sa Manila Film Festival 1994 samantalang ibang aktor ang nagwagi ng gabing iyon.
Batay sa record ng korte na ang estafa ay isang pandaraya sa pamamagitan ng paggamit ng di totoong pangalan, pagpapanggap bilang isang may kapangyarihan, mang-impluwensiya ng kapwa upang lumikha ng pandaraya.
Sa kabila ng halos walong taong pagdinig sa kaso ni Ruffa at sa kapatid nitong si Rocky mula sa kasong isinampa ni dating Manila Mayor Alfredo Lim ay tanging napatunayan at napagtagumpayan ng prosekusyon ay ang "first element of deceit" habang nabigo naman na patunayan ang ikalawang elemento ng estafa na kung tawagin ay "second essential of damage".
Ang damage o prejudice capable of pecuniary estimation ay kailangang mapatunayan ng walang pag-aalinlanagan sa korte para madiin ang akusado. (Ulat ni Andi Garcia)