Med tech patay sa ligaw na bala
July 1, 2002 | 12:00am
Isang medical technologist ang namatay makaraang tamaan ng ligaw na bala sa ulo habang tumatawid ng kalsada kahapon ng umaga sa Muntinlupa City.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rosella del Rosario, 33-anyos, med-tech, residente ng No. 504 Gatchalian Village, Las Piñas City.
Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo si del Rosario buhat sa isang .45 na kalibre mula sa hindi nakilalang salarin.
Base sa isinagawang imbestigasyon ni SPO4 Delfin Salaria, may hawak ng kaso, dakong alas-8 ng umaga kahapon nang biglang tamaan ng ligaw na bala ang ulo ng biktima habang tumatawid sa Sucat Interchange, East Service Road ng nasabing lungsod.
Ayon sa ilang pedestrian, bigla na lamang duguang bumagsak ang biktima kaya madalian nila itong isinugod sa Muntinlupa Medical Center subalit dahil maselang bahagi ang tinamaan ng bala ay kaagad na binawian ng buhay ang biktima.
Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang taong responsable sa pagbaril kay del Rosario.
Gayunman, may teorya ang pulisya na posibleng isa ring passersby ang may tangan ng .45 kalibre ng baril at aksidente na nakalabit nito ang gatilyo ng baril na siyang tumama at pumatay sa biktima. (Ulat ni Lordeth B. Bonillla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended