Ito ang inihayag ng bagong MMDA Chairman Bayani Fernando noong nakalipas na Biyernes matapos ang isinagawang flag retreat ng mga MMDA employees pagkatapos ng kanilang trabaho.
Ipinaliwanag ni Fernando na ang naturang aksyon ay resulta ng kanyang isinagawang review sa lahat ng units at divisions ng MMDA matapos siyang maupong chairman noong nakalipas na linggo.
Madedetermina pa sa isasagawang review kung sino sa mga contractual employees ang maka-classified bilang "Job Orders" na nakatapos sa kanilang trabaho makaraan ang pagkakuha sa kanila.
Ipinaliwanag pa nito na ang mga maaapektuhang J.O.s ay kinuha lamang para sa specific short term duties.
Gayunman, ipinangako ni Fernando na ang lahat ng mga maapektuhang empleyado ay siya ring bibigyang prayoridad sakaling mangailangan muli ng bagong employees ang ahensiya.
Nagbabala naman ito sa sinumang sasama o magpoprotesta laban sa kanyang naging desisyon ay mawawala ang pribelehiyo na muling makuhang empleyado.
Sa panig naman ng mga traffic enforcers, sinabi ni Fernando na walang balak na kumuha ng mga bagong miyembro dahil na rin sa kakulangan ng pondo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)