^

Metro

Toll fee hike dapat ipatigil ni GMA - solon

-
Nanawagan kahapon si Parañaque Rep. Eduardo Zialcita kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na agarang pigilan ang pagpapatupad ng Toll Fee Regulatory Board sa pagtataas sa singil sa toll fee na nakatakdang ipatupad bukas (Hulyo 1).

Sinabi ni Zialcita na may mga grupo umanong naghahanda upang magsagawa ng mass protest laban sa pamahalaan dahil ang lahat umano ng kanilang hinaing, kabilang na ang tungkol sa toll fee ay ipinagwawalang bahala lamang ng gobyerno.

Ayon kay Zialcita, sa mga residente pa lamang ng Parañaque at mga empleyado ng Makati na may sasakyan, ay halos mahigit limang milyon na ang makokolekta kada buwan.

Batay sa sample computation, sa minimum Parañaque residents at Makati City employees, ang Citra (operator ng Skyway) at Philippine National Construction Corporation (operator ng expressway) ay makakakolekta ng P172,000,00 araw-araw. Kung ito ay imu-multiply sa 30 araw, ito ay aabot sa P5.16 milyon isang buwan at P30.96 milyon sa loob ng kalahating taon.

Sinabi ni Zialcita na hindi napapanahon ang pagtaas ng toll fee dahil siguradong aangal din dito ang mga bus operators na anumang oras ay puwedeng magtaas ng kanilang pasahe. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

AYON

BATAY

EDUARDO ZIALCITA

MAKATI CITY

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE NATIONAL CONSTRUCTION CORPORATION

SINABI

TOLL FEE REGULATORY BOARD

ZIALCITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with