Pulis binoga ng kabaro, kritikal
June 30, 2002 | 12:00am
Dahil umano sa impluwensiya ng alak at droga, isang pulis ang nagwala at namaril ng kapwa niya pulis, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Nasa kustodya na ng pulisya ang suspect na nakilalang si SPO1 Edgardo Blansa, nakatalaga sa Police Community Precint 4 ng Parañaque City Police.
Samantala, patawirin naman sa Chinese General Hospital ang biktimang si PO1 Gersel Diaros, na nakatalaga naman sa Police Community Precint 1, bunga ng tinamong walong tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na naganap ang insidente dakong alas-11 kamakalawa ng gabi sa Saint Jude St., Multinational Village, Brgy. Moonwalk.
Nabatid na ang suspect ay malapit umano sa bahay ng kanyang kalaguyo na nakilala sa pangalang Gina at sa labis na kalasingan ay biglang nagwala at nanunutok ng baril sa mga taong masasalubong.
Isa sa tinutukan nito ay si Jovert Colango na mabilis na humingi ng tulong sa biktima na nakatalaga sa naturang lugar.
Tinungo ng biktima kasama si PO1 Anthony Alising ang lugar at inawat ang nagwawalang si Blansa, subalit imbes na paawat ay pinaulanan ng putok si Diaros.
Nakuha pang tumakas ng suspect subalit ilang minuto matapos ang insidente ay sumuko na ito sa kanyang superior.
Bukod sa impluwensiya ng alak ay nabatid na gumagamit din ng ipinagbabawal na gamot ang nagwalang pulis. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended