Bitay hatol sa binata na nasamsaman nang 25 kilos ng marijuana
June 29, 2002 | 12:00am
Hinatulan kahapon ng Malabon Regional Trial Court ng parusang kamatayan ang isang 24-anyos na binata na pinaniniwalaang bigtime drug pusher makaraang mahulihan ng may 25 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana noong nakalipas na Marso.
Iginawad ang parusang bitay ni Malabon RTC Branch 72 Judge Benjamin Aquino kay Eduardo Limpin, ng University Avenue, Potrero, Malabon.
Bukod pa rito ang habambuhay na pagkabilanggo para naman sa drug pushing charges nito.
Base sa 15-pahinang desisyon na ibinaba ng korte, pinagbabayad din ng hukuman si Limpin ng P5 milyon para sa nabanggit na dalawang kaso nito.
Samantala, ang kasama nitong si Ricky America, 32, ay pinatawan ng habambuhay na pagkabilanggo.
Base sa rekord ng korte ang dalawa ay kapwa inaresto ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation noong nakalipas na Marso 15 sa harap ng kanilang bahay. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended