^

Metro

Pumugang African balik kalaboso

-
Nahulog sa kamay ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang African na pumuga mula sa BI detention cell sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, 53 araw makaraang ito ay makatakas.

Kinilala ni Commissioner Andrea Domingo ang puganteng dayuhan na si Marvelle Ghombo, tubong Sierra Leome Africa na nasakote ng mga awtoridad sa kanyang pinaglunggaan sa isang lugar sa Metro Manila.

Inihayag ni Domingo na si Ghombo ay dalawang taon nang nakapiit sa Bicutan bago ito pumuga noong nakalipas na Mayo 16 makaraang ito ay samahan upang magpagamot sa isang ospital.

Ang pagkakatakas ay nagbunsod naman upang masuspindi ang kanyang guwardiya na nakilalang si Herbert Veron bunga ng naging pagpapabaya nito na mabantayan ang suspect. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

BICUTAN

BUREAU OF IMMIGRATION

CAMP BAGONG DIWA

COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

DOMINGO

HERBERT VERON

MARVELLE GHOMBO

METRO MANILA

SIERRA LEOME AFRICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with