Ito ay batay sa latest record ng LTO Drug Test Committee.
Sa talaan ng komite mula Enero ng taong ito hanggang Hunyo 8, 2002, nakapagtala sila ng 1,274 na driver na positibong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot partikular na ang shabu at marijuana. Ang naturang bilang ay mula sa 92,743 motoristang kumuha ng lisensiya sa LTO-NCR.
Sumunod dito ang Region 4 na nakapagtala ng 352 driver na gumagamit ng droga mula naman sa bilang 37,743 applicant at sumunod ang Region 3 na nakapagtala ng 227 drug users na mga driver.
Niliwanag ni LTO drug test committee chairman Rachel Ruivivar na ang lahat ng mga driver na naitalang positibo sa droga ay hindi na nila inisyuhan ng lisensiya sa pagmamaneho.
"Suspendido ng anim na buwan ang kanilang drivers license oras na mapatunayan na positibo sila sa droga, pagkatapos nito kailangan uli nilang magpa-drug test kung positive pa rin tuluyan nang ire-revoke ang kanilang lisensiya," pahayag pa ni Ruivivar. (Ulat ni Angie dela Cruz)