^

Metro

Maraming Metro Manila drivers ang positibo sa droga

-
Matatagpuan sa Metro Manila ang malaking bilang ng mga driver na lulong kung hindi man ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ito ay batay sa latest record ng LTO Drug Test Committee.

Sa talaan ng komite mula Enero ng taong ito hanggang Hunyo 8, 2002, nakapagtala sila ng 1,274 na driver na positibong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot partikular na ang shabu at marijuana. Ang naturang bilang ay mula sa 92,743 motoristang kumuha ng lisensiya sa LTO-NCR.

Sumunod dito ang Region 4 na nakapagtala ng 352 driver na gumagamit ng droga mula naman sa bilang 37,743 applicant at sumunod ang Region 3 na nakapagtala ng 227 drug users na mga driver.

Niliwanag ni LTO drug test committee chairman Rachel Ruivivar na ang lahat ng mga driver na naitalang positibo sa droga ay hindi na nila inisyuhan ng lisensiya sa pagmamaneho.

"Suspendido ng anim na buwan ang kanilang driver’s license oras na mapatunayan na positibo sila sa droga, pagkatapos nito kailangan uli nilang magpa-drug test kung positive pa rin tuluyan nang ire-revoke ang kanilang lisensiya," pahayag pa ni Ruivivar. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

CRUZ

DRIVER

DRUG TEST COMMITTEE

ENERO

HUNYO

MATATAGPUAN

METRO MANILA

RACHEL RUIVIVAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with