^

Metro

Binatilyo hinalay ng bading

-
Halos hindi makalakad sanhi nang pamamaga ng puwit ang isang 14-anyos na binatilyo matapos itong pagsamantalahan ng isang bading, kamakalawa ng gabi sa loob ng isang sementeryo sa Malabon.

Kinilala ni Supt. Pedro Ramos, hepe ng pulisya dito ang biktima na itinago sa pangalang Jun, ng Barangay Tugatog na positibong nagturo sa suspect na si Romeo Umaga, 22, ng Dr. Lozano St. kapwa ng nasabing lunsod.

Base sa ulat ng pulisya naganap ang insidente sa loob ng Tugatog Public Cemetery dakong alas-7:30 kamakalawa ng gabi.

Bago ang insidente, pauwi na galing sa eskuwelahan ang biktima nang salubungin at kausapin ito ng suspect kung saan hindi nagtagal ay nagpaalam ang una na ito ay uuwi na.

Lingid sa kaalaman ng binatilyo ay lihim siyang sinundan ng suspect at pagsapit ng una sa gate ng sementeryo ay agad itong tinutukan ng patalim ng suspect at saka kinaladkad sa loob ng isang museleo.

Binanggit ng biktima na puwersahan siyang pinaghubad ng suspect at saka sapilitang pinasok sa kanyang puwit ang ari nito.

Matapos na makaraos sa kahayukan ay pinagbantaan pa ng suspect ang biktima na papatayin sa oras na magsumbong.

Gayunman, naglakas loob pa rin ang biktima na magsumbong sa kanyang mga magulang na nagsama sa kanya sa himpilan ng pulisya at sa isinagawang operasyon ay nadakip ang suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

BARANGAY TUGATOG

BINANGGIT

DR. LOZANO ST.

GAYUNMAN

KINILALA

PEDRO RAMOS

ROMEO UMAGA

ROSE TAMAYO

SUSPECT

TUGATOG PUBLIC CEMETERY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with