^

Metro

2 patay sa amok na adik

-
Dalawang lalaki ang napatay makaraang pagbabarilin ng isang nag-amok na adik, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Supremo Manlapaz, ng Area 5 Nawasa site, Brgy. Pasong Tamo at Gaspar Salgado, 49, negosyante ng Veterans Village. Ang dalawa ay kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa kanilang katawan.

Nakilala naman ang amok na suspect na si Rodel Geronimo, ng nabanggit ding lugar.

Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling araw sa Area 5 ng Nawasa site kung saan ay biglang nagwala ang suspect na pinaniniwalaang sabog sa ipinagbabawal na gamot. Armado ito ng isang baril.

Unang namataan ng suspect ang biktimang si Manlapaz na naglalakad lamang papauwi sa kanilang bahay nang barilin ng suspect.

Nakita rin ni Geronimo si Salgado na galing sa isang tindahan at tinarget din na barilin.

Mabilis na tumakas ang suspect matapos ang isinagawang krimen subalit sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ito ng mga awtoridad, habang hinahanap pa ang ginamit nitong baril. (Ulat ni Jhay Mejias)

ARMADO

GASPAR SALGADO

JHAY MEJIAS

NAKILALA

NAWASA

PASONG TAMO

QUEZON CITY

RODEL GERONIMO

SUPREMO MANLAPAZ

VETERANS VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with