Airport police todas sa kapwa pulis
June 28, 2002 | 12:00am
Isang bagitong pulis ang nakapatay sa kanyang kasamahan matapos mapikon at magwala ang una sa loob ng barracks ng PNP 2nd Regional Aviation Security Office (RASO) sa Manila Domestic Airport (MDA), kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Supt. Marcelo S. Ele Jr., director ng Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-ASG) ang suspect na si PO3 Ronaldo Duazo, nakatalaga sa Balikbayan Tourist Protection Unit (BTPU), samantalang ang biktima ay nakilalang si PO3 Buenaventura Espejon, ng 2nd RASO.
Nabatid sa isinagawang imbestigasyon na naganap ang insidente dakong alas-3:20 kahapon ng madaling araw. Napag-alaman na umalis umano ang suspect kasama ang isang nagngangalang PO2 Hayden Segovia at nagtungo sa isang videoke bar sa Baclaran.
Bago umalis ang suspect at si Segovia, iniwan ng dalawa ang kanilang baril sa biktima dahil sa umiiral na COMELEC gun ban.
Bago pa makabalik ang mga ito sa kanilang barracks ay napag-alamang nagtatalo na ang suspect at si Segovia.
Pilit umanong kinukuha ni Duazo ang kanyang baril sa biktima, subalit tumanggi ang huli lalot nakitang lasing na ito.
Nagalit umano ang suspect at pumunta sa barracks ng BTPU at doon kinuha ang kanyang armalite rifle at saka bumalik sa barracks. Nang makita nito ang biktima ay agad na pinaputukan ng baril.
Si Espejon ay nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa dibdib na kaagad nitong ikinamatay.
Nang mahimasmasan ang suspect ay kaagad itong sumuko kay Supt. Ele.
Inihahanda na ang paghaharap ng kaukulang kaso laban sa suspect. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended