CAT at COCC pina-aabolish
June 26, 2002 | 12:00am
Makaraang buwagin ang Reserved Officers Training Corps sa kolehiyo, nais din ni Senator Renato Cayetano na alisin na rin ang Cadet Officers Candidacy Course (COCC) at Citizens Army Training (CAT) na puwersahan namang ipinatutupad sa high school.
Sinabi ni Sen. Cayetano, dahil sa optional course na lamang ang ROTC base sa isinasaad ng Republic Act No. 9163 ay lohikal lamang na maging optional course na rin ang COCC at CAT.
Dahil dito, isang panukalang batas aniya ang kanyang ihahain sa Senado upang hindi na rin mapuwersa ang mga mag-aaral sa high school na kunin ang COCC at CAT.
Magugunita na sa ilalim ng RA 9163, nakasaad na simula ngayong pasukan ay may opsyon na ang mga lalaking estudyante sa kolehiyo kung kukunin pa nila sa loob ng dalawang semesters ang ROTC o ang isa sa dalawang National Training Programs.
Ang dalawang programa na ito ay ang Literacy Training Service at Civil Welfare Training Service. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended