Bank guard dedo rin sa holdap
June 25, 2002 | 12:00am
Isang guwardiya ang nasawi makaraang pagbabarilin ng anim na armadong kalalakihan sa naganap na panghoholdap, kahapon ng tanghali sa Makati City.
Hindi na umabot pang buhay nang isugod sa Makati Medical Center ang biktimang nakilalang si Michael Cardeno, 29, guwardiya ng Equitable PCI Bank, Pasong Tamo Branch sanhi ng tinamong isang tama ng bala ng baril sa katawan.
Samantala, mabilis namang nagsitakas ang mga suspect matapos ang ginawang panghoholdap dala ang hindi pa mabatid na halaga ng cash.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Ricky Tan, ng Homicide Section ng Makati Police, naganap ang insidente dakong alas-11:40 kahapon ng tanghali sa nabanggit na banko.
Binanggit ng kasamahan nitong guwardiya na si Jing Aguilar na galing ang biktima sa Plaza Fair kasama ang isang teller ng naturang banko na tumangging magpabanggit ng pangalan. Nabatid na kinuha ng mga ito ang pera sa nasabing department store at idedeposito sa naturang banko nang biglang salakayin ng mga suspect na noon ay nag-aabang na sa kanila.
Bigla rin umano ang ginawang pagbaril kay Cardeno ng mga suspect sabay agaw sa dalang bag ng teller at saka mabilis na nagsitakas.
Hindi pa matiyak kung magkanong halaga ang natangay ng mga holdaper. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest